-- Advertisements --
Magkakaroon muli ng panibagong taas presyo sa mga produktong langis sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na asahan ang P3.92 hanggang P4.00 ang itataas sa kada litro ng diesel.
Mayroong P0.59 hanggang P1.00 naman ang itaas sa kada litro ng gasolina at P4.66 naman sa kada litro ng kerosene.
Itinuturing ng DOE na ang kaguluhan pa rin sa Ukraine at Russia ang dahilan ng panibagong oil price hike.