Umapela ang Department of Energy (DOE) sa mga oil industry players na magbigay ng dikuwento at promotions sa kanilang mga customers sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis simula noong Enero.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, ilan sa mga oil industry players ay nagbigay na ng P1 hanggang P3 discount sa kada litro ng kanilang mga produkto.
Mula aniya noong Enero ng kasalukuyang taon ay naglalaro sa $50 hanggang $96 kada bariles ang itinaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Nauna nang iminungkahi ng DOE na suspendihin ang ipinapataw na excise tax sa langis, na nagkakahalaga ng P6 sa kada litro ng diesel at P10 naman para sa gasolina sa ilalim ng TRAIN Law, dahil sa price hike na naitala kamakailan.
Pero ayon sa Department of Finance, aabot sa P131.4 billion na kita ang mawawala sa pamahalaan, na maaring gamitin pa para sa ipinapatupad na COVID-19 pandemic measures.