-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tuluyang naninindigan ang pamahaalang lokal upang kontrahin at tutulan ang plano na pagpapatayo ng oil depot at puerto sa dalampisigan ng Barangay Tubigan,Initiao,Misamis Oriental.

Kasunod ito sa mariing pagtutol ng beach and resorts owners dahil sa malaking pangamba na masisira ang kanilang karagatan na pangunahing pinagkunan-hanapbuhay ng mga residente sa matagal ng panahon.

Naipasa na kasi ng Initao Sangguniang Bayan resolution bilang pagtugon sa isinigaw na protesta ng halos nasa 80 porsyento ng mga residente na na tumutol na pagtayuan sila ng depot.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Initiao Beach Resort Association spokesperson Amir Roa na bagamat nasa 600 bagong trabaho ang maibigay ng oil depot construction subalit apektado naman ang pangingisda at trabahong turismo ng higit 4,000 pamilya sa kanilang bayan.

Maliban sa hanap-buhay hindi dapat masira ang Initao–Libertad Protected Landscape and Seascape na protektado ng batas at nagsilbing isa sa mga nangunguna na tourism site sa Northern Mindanao region.

Magugunitang maging ang taga-simbahan at ibang sektor ay tutol rin sa depot construction dahil ayaw daw nila matulad sa ibang lugar na sira na ang dagat at mabaho katulad sa nangyari sa bayan ng Gitagum nitong lalawigan.