Nagtalaga si Transportation Secretary Jaime Bautista ng officer-in-charge para pamunuan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos suspendihin si chairman Teofilo Guadiz III.
Sa isang Special Order No. 2023-353, itinalaga ni Bautista si LTFRB board member Mercy Paras Leynes bilang OIC chairperson mula October 10, 2023 hanggang October 9, 2024.
Kaugnay nito, gagampanan ni Leynes ang lahat ng tungkulin at responsibilidad ng tanggapan maliban na lamang kung ito ay binago o pinalitan.
Matatandaan na sinuspendi ni PBBM si Guadiz sa gitna ng mga alegasyon ng korupsiyon sa ilalim ng kaniyang liderato sa LTFRB na kasalukuyan ng iniimbeatigahan ng DOTr.
Nag-ugat ang kontrobersiya sa pagbubuniyag ng dating
executive assistant ni Giadiz na si Jeff Tumbado na
tumatanggap ang ahensiya ng suhol na pera na pumapalo ng hanggang P5 million mula sa operators para makapag-secure ng ruta, prangkisa at special permits o board resolutions.