KORONADAL CITY – Inabisuhan na ang mga Pilipino sa bansang Thailand na manatili muna sa kanilang mga bahay para sa kanilang kaligtasan.

Kasunod ito sa nangyaring pamamaril ng isang sundalo sa isang mall sa naturang bansa na ikinasawi ng 21 katao at halos 40 naman ang sugatan bago ito napatay ng mga otoridad.

-- Advertisement --

Ayon kay Bombo international correspondent Naizer Juarez, isang guro sa naturang bansa, ibinahagi nito na unang pinatay ng suspek na si Sgt. Jakrapanth Thomma ang kaniyang battalion commander at dalawang kasama nito bago kinuha ang mga armas at humvee at nagpatuloy ang kaniyang shooting spree nito sa Terminal 21 Korat mall.

Una umanong binaril ng nasabing sundalo ang mga CCTV sa mall at ang sinuman na kaniyang makikita.

Kaagad naman itong napatay ng mga otoridad matapos ang 16 oras na standoff sa nasabing insidente.

Tiniyak rin nitong walang mga kababayan natin ang nasawi o nasugatan sa naturang masaker.