-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Aminado ang ilang Pinoy overseas worker sa Hong Kong na apektado na ang ekonomiya sa lugar dahil sa nagpapatuloy na kilos-protesta ng mga sibilyan kontra pamahalaan.

Ayon kay Bombo International correspondent Federico Paragas Jr., ilang hotel na ang sapilitang pinagli-leave without pay ang kanilang empleyado.

May mga malls na rin umano na napilitang magsara, na malaking problema ngayon para sa mga small and medium enterprises.

Sinasabing nasa 40-percent ang ibinagsak ng turismo ng rehiyon ayon sa ilang news agencies sa lugar.

Dahil dito, panawagan ngayon ng mga residente at turista sa pamahalaan na ibaba sa 50-percent ang bayad sa condo at pagbili ng lote.

Nangangamba ang Pinoy workers na mawalan ng trabaho lalo na’t karamihan sa mga employer ang umaasa rin sa negosyo.