Inaasahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bababa ang remittances ng mga OFWs ngayong taon dahil pa rin sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni BSP Assistant Governor Illuminada Sicat sa isang virtual press briefing na ang baseline assumption nila ngayong taon ay lalago ng 3 percent.
Noong nakaraang taon, tumaas ang remittances ng 4.1 percent o $30.1 billion mula sa $28.9 billion noong 2018.
Pero dahil marami nang OFWs ang pinauwi ng Pilipinas, partikular na ang mga nasa-sea-based sector, sinabi ni Sicat na inaasahan na nilang magkaroon ng contraction sa remittances ng .2 hangang .8 percentage point.
Gayunman, inaasahan din daw nila na magkakaroon pa ng mga contractions sa remittances sa hinaharap sa gitna ng mga pagbabago sa sitwasyon na may kaugnayan sa pandemic.