Inirekomenda ni Ang Probinsyano party-list Rep. Ronnie Ong sa national government na bigyan nang exemption sa mandatory quarantine ang mga returning overseas Filipino workers (OFWs) at iba pang inbound international Filipino travelers na fully vaccinated na kontra COVID-19.
Sapat na aniya para luwagan ang quarantine protocols para sa mga OFWs na may maipapakitang authenticated na katibayan sa kanilang pagpapabakuna upang sa gayon ay mabigyan din ang mga ito ng sapat na panahon na makasama ang kanilang pamilya sa maiksing panahon na bakasyon nila sa bansa.
Gayunman, siinabi ng kongresista na maari pa rin namang obligahin ang mga returning OFWs na ito sa RT-PCR swab test sa kanilang pagdating sa Pilipinas.
Bukod sa pagluwag sa quarantine requirement, inirekomenda rin nito sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na luwagan ang restrictions sa inter-zonal o cross-border travel para sa mga nabakunahan na rin kontra COVID-19.
Payagan na rin aniya dapat ang pagtanggap ng mga business establishments tulad ng mga malls, restaurants, hotels, resorts at iba pa sa mga senior citiens na bakunado na kontra COVID-19
Paraan na rin ito para aniya makabangon na rin ulit ang domestic tourism.