-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isinusulong ng Overseas Filipino Workers sa Nigeria ang pag-amyenda ng batas hinggil sa mandatory 3% contribution sa Philippine Health Insurance Corporation.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Edwin Pancho Fario Jr., Overseas Filipino Wroker sa Nigeria, sinabi nito na mas mainam na ang kalahati ng kontribusyon ay babayaran ng employer habang ang kalahati naman ay babayaran ng OFW.

Inihayag ni Fario na ang 3% na kontribusyon ay masyadong malaki para sa kanilang mga Overseas Filipino Workers.

Samantala, mayroon namang online petition ang Overseas Filipino Workers sa Kuwait kung saan mahigit sa 30,000 ang apektado ng no work no pay dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).