Iniulat ng Office of the Vice President na nasa P134 million na halaga ang nai-proseso ng kanilang opisina para sa medical at burial assistance sa unang 100 days nito.
Sa nasabing halaga, P124.5 million ang nagmula sa medical aid habang 9.7 million naman sa burial assistance.
Aabot naman sa 13,315 recipients ang napagsilbihan ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte mula sa main office at pitong satellite offices.
Napag-alaman na nakipagtulungan na ang OVP sa Department of Health para sa Medical Assistance to Indigent Patients program kung saan 31 public hospitals ang saklaw sa buong bansa.
Katuwang din nito ang Department of Social Welfare and Development para sa pagpapalabas ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Nasa P20,000 ang maximum amount na ibinibigay sa medical services sa pamamagitan ng guarantee letter.
Gamot ang ipinamamahagi ng OVP sa bawat benepisyaryo habang petty cash ang ibinibigay sa burial assistance.