
Mag-aalok na rin ang Office of the Vice President ng libreng legal assistance at trabaho.
Ito ay kasunod ng paglagda ng Office of the Vice President (OVP) kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Attorney’s Office (PAO) sa isang Memorandum of agreement (MOA) upang makapagpaabot ng libreng legal assistance at job placement kaalinsabay ng layuning maging accessible ang mga serbisyo ng gobyerno para sa mga nanangangailangan nating mga kababayan.
Sinaksahihan mismo ni Vice President Sara Duterte ang paglagda ng MOA sa pagitan ng OVP, DOLE at ng PAO sa central office ng OVP sa Mandaluyong city.
Saad ng Bise Presidente na maraming lumalapit sa kaniyang opisina na magkakaiba ang mga concern at karamihan ay may kinalaman sa legal issues.
Sinabi naman ni Labor Undersecertary Felipe Egargo Jr. na siyang lumagda sa MOA bilang kinatawan ng DOLE , ang inisyatibo ng OVP ay ipapatupad sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) program na isang community based assistance package na nagbibigay ng emergency employment para sa mga displaced workers.
Sa panig naman ng PAO, sinabi ni PAO Chief Dr. Persida Rueda-Acosta na magtatalaga ang PAO ng tig-dalawang lawyers sa bawat satellite office sa buong bansa subalit kailangan pa aniyang i-assess ang pangangailangan sa bawat sattelite office.









