Kinundena ng Office of the Ombudsman ang nangyaring online leak o pagkakalantad ng pagkakakilanlan ng mga imbestigador nito.
Ayon sa opisina, ito ay direktang banta sa kaligtasan ng mga imbestigador at mga public servant.
Maliban sa pagkakakilanlan ng mga imbestigador, nalantad din ang ilang confidential documents.
Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang Tanodbayan sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group upang hanapin at kasuhan ang mga nasa likod nito.
Giit ng opisina, ang nangyaring unauthorized disclosure ay isang hayagang pagtatangka na takuin ang mga public servant.
Tiniyak naman ng naturang opisina na sa kabila nito ay patuloy pa rin ang trabaho nito, lalo na ang imbestigasyon sa lahat ng mga kasong tinututukan ngayon ng Tanodbayan tulad ng flood control scandal, atbpa.
Sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas ang NBI at PNP na initial report ukol sa nangyaring online leak.
















