Pumanaw na ang kilalang menswear designer ng Louis Vuitton at founder ng Off-White na si Virgil Abloh dahil sa cancer sa edad 41.
Kinumpirma ito ng kaniyang kampo sa pamamagitan ng pagpost sa social media.
Mahigit dalawang taon aniya ito ng lumalaban sa agresibong uri ng cancer at cardiac angiosarcoma.
Mas pinili nitong itago ng pribado ang sakit mula ng siya ay madiagnosed noong 2019.
Isinilang noong 1980 sa Rockford, Illinois ay nagtapos ito ng degree sa civil engineering mula sa University of Wisconsin Madison at masters’s degree in architecture sa Illinois Institute of Technology.
Naging matagal na collaborator siya ni Kanye West na siyang tumulong sa DONDA line noong 2012.
Taong 2018 ng inilunsad nito ang brand na Off-White at tinanghal siyang men’s artistic director ng Louis Vuitton.
Kabilang siya noong 2018 bilang Time Magazine 100 Most Influential People.