-- Advertisements --

Pumapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong may international name na Rai.

Tatawagin ito sa ating bansa bilang “Odette” na ika-15 sama ng panahon sa PAR ngayong 2021.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,000 km sa silangan ng Mindanao.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na 100 kph at may pagbugsong 125 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Posibleng mag-landfall ito bukas sa Caraga region o kaya ay Eastern Visayas.