Nagbabala ang mga eksperto ng OCTA Research Group ukol sa posibleng pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 dulot ng niluwagang panuntunan sa public transportation.
Magugunitang inaprubahan kamakailan ni gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon one-seat apart policy, kung saan binawasan pa ang 1-meter distancing na matagal ipinatupad dahil sa banta ng coronavirus transmission.
Ang Economic Development Cluster ng administrasyon ang nagpanukala sa Duterte cabinet ng naturang polisiya.
Ayon sa research group, ramdam naman ang bahagyang pagbuti ng sitwasyon sa transportasyon sa National Capital Region (NCR). Pero nakakabahala raw ang posibleng maging epekto nito.
“Use of public transport in the NCR increased slowly but steadily in the past week. We expect that this will trigger an increase in new COVID-19 cases in the NCR in the next two weeks.”
Bukod sa mga tren at jeepney, niluwagan din ng gobyerno ang panuntunan sa mga nabiyahe palabas ng bansa. Kaya naman rekomendasyon ng grupo, gawing detalyado ang criteria para sa mga uuwi ng Metro Manila.
Sa paraang ito raw magagabayan ang local government units sa pag-kontrol ng posibleng mga bagong kaso ng sakit.
Ilan pa sa mungkahi ng mga eksperto ay ang pag-resolba sa issue ng PhilHealth at Philippine Red Cross; pagpapalawig ng health care system, testing, agresibong contact tracing; pagdadagdag ng isolation facilities sa ibang bahagi ng bansa; at mas mahigpit na surveillance system.
“Many countries in Europe and in North America are experiencing a second or third wave of the pandemic now, and they are struggling because their governments were not prepared to limit public mobility as new cases of COVID-19 surged.”