Hindi inirerekomenda ng OCTA Research group na luwagan na ang quarantine restrictions sa Metro Manila at apat na karatig na probinsya.
Ayon kay Fr. Nicanor Austriaco, sa pananaw ng kanilang grupo ay kailangan palawigin ng isa pang linggo ang MECQ sa mga lugar na nakapaloob sa tinaguriang NCR Plus.
Ito ay dahil “unstable” pa rin kasi aniya ang bumababang bilang ng COVID-19 cases sa NCR Plus sa mga nakalipas na linggo.
Ibig-sabihin, hindi comparable sa lahat ng mga LGUs sa NCR Plus ang naitalang pagbaba ng COVID-19 infections.
Nababahala aniya ang OCTA Research group na magkaroon ulit ng panibagong surge kung premature na papasok sa mas maluwag na general community quarantine.
Samantala, sinabi rin nito na makakatulong para paluwagin ang mga ospital sa COVID-19 admission kapag palawigin pa ang MECQ sa NCR Plus.
Kahapon lang, pumalo na sa mahigit 1 million ang COVID-19 cases, kung saan halos 17,000 dito ang tuluyan nang binawian ng buhay.










