-- Advertisements --
Dumipensa ngayon ang research group na OCTA sa kanilang inilalatag na mga panukala at babala sa gobyerno ukol sa isyu ng COVID-19 cases sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Guido David, fellow ng OCTA research sinabi nito ang kanilang mga analysis ay batay naman daw sa data ng DOH at pinagbabasehan ang science based.
Anuman ang kanilang inaanunsyo raw ay para rin sa kapakanan ng publiko.
Tiniyak pa nito na sinusuportahan nila ang mga hakbang ng gobyerno.
Makikita rin naman daw sa datos kung gaano kabilis ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.