-- Advertisements --

Isusulong ng Office of Civil Defense (OCD) ang pangmatagalang solusyon sa baha partikukar na sa mga lugar na bahain sa bansa.

Ito ay sagitna na rin ng pinsala dulot ng malwakang pagbaha at pagguho ng lupa sa Mindanao na kumitil na ng 21 katao.

Ayon kay OCD Administrator Ariel Nepomuceno, ilan sa mga hakbang na kanilang ikinokonsidera ay ang pagpapalakas ng pangangasiwa sa river basin.

Gayundin amg striktong pagpapatupad ng mga polisiya laban sa mga aktibidad ng mga tao na nakakapagpalala ng problema sa baha tulad ngiresponsableng gawain ng pagmimina, pagprotekta sa ating kalikasan, pagpapaibayo ng flood-control projects at iba pang engineering interventions at permanenteng relokasyon ng vulnerable communities

Una rito, malaking parte ng Mindanao ang binaha dahil epekto ng pinagsamang trough ng low pressure area at hanging amihan simula pa noong Enero 28.

Kung saan umaabot na sa mahigit 1.1 million katao ang apektado ng masamang lagay ng panahon sa Northern Mindanao (Region 10), Davao region, Soccsksargen (Region 12), Caraga (Region 13), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa naturang bilang, halos mahigit 700,000 indibidwal o 200,847 pamilya na ang na-displace dahil sa mga baha at landslide. (With reports from Bombo Everly Rico)