(Update) CAGAYA DE ORO CITY – Lumobo pa ng 18 ang kompirmadong mga residente ang nasawi dahil sa epekto ng mga malakang pagbaha sa ilang probinsya ng Northern Mindanao Region.
Ito ay matapos na narekober na ang dalawa sa mga napaulat na missing noong nasa kasagsagan ng mga pagbaha ang mga lalawigan ng Misamis Occidental,Misamis Oriental at Bukidnon nitong rehiyon.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Office of the Civil Defense 10 regional director Gilbert Conde na karamihan sa mga nasawi ay nagmula pa rin sa mga bayan at lungsod ng MisOcc province kung saan kasalukuyan rin naka-state of calamity status.
Inihayag ni Conde na na ang iba sa mga nasawi ay nagmula na sa Misamis Oriental at Bukidnon.
Nagtala na rin ng isang missing sa rehiyon habang halos 10 naman ang sugatan dahil sa resulta ng kalamdidad.
Patuloy rin ang pag-akyat ng monetary damages na iniwan ng pagbaha maging landslide na sumira sa mga kabahayan ng libu-libong mga pamilya at nagdanyos ng mga imprastraktura at sektor ng agrikultura.