-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Isinagawa na ang oath taking ceremony ng mga bagong naihalal na mga barangay officials sa syudad ng Dagupan.

Kaugnay nito, nagbitaw naman ng ilang mga pangako at paninindigan ang ilan sa mga ito patungkol sa kanilang pangangasiwa sa mga barangay na kanilang paglilingkuran.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Clay Mark C. Simeon, ang elected brgy. Kagawad ng Poblacion Oeste, nais umano niyang itayo ang bandera ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, questioning, intersex, or asexual (LGBTQIA+) community at nais din aniyang isulong ang barangay na inklusibo para sa mas bago at mas aktibong pagseserbisyo.

Ang ginamit niyang plataporma sa kaniyang kampanya ay ang project HEALTH na nakatutok sa mga pangunahing kinakailangan ng mga mamamayan.

Samantala, laki naman ang pasasalamat ni Angel Ver Bonaobra, ang elected Sangguniang Kabataan Chairman ng brgy Bacayao Norte, sa suportang ipinakita ng kaniyang mga kabarangay.

Inilahad din nito ang mga nais niyang itaguyod sa ilalim ng kaniyang pamumuno kung saan nais suportahan ang mga kabataan sa pagtutupad ng kanilang mga hangarin at pangangailangan bilang isang kabataan.

Handa rin aniya siyang makinig at maging sandigan ng mga ito sa pagtutupad ng kanilang mga pangarap.