Nais ngayon ng isang senador na magkaroon ng nursing home sa bawat local government unit (LGU) para sa mga inabandona at mga walang tirahang senior citizens.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 950 o ang Homes for Abandoned Seniors Act of 2022, sinabi ni Senator Win Gatchalian na ang naturang mga nursing homes ay mag-o-operate at ima-manage ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan naman ng pakikipag-ugnayan ng mga ito sa local government units (LGUs).
Pero ang mga concern LGUs daw ang aatasan para magpatayo ng naturang mga nursing homes.
Ang naturang measure ay kinuha sa konsepto ng “Bahay Kalinga” ng Valenzuela City at ang “Bahay Kanlungan Tahanan Nila Lolo at Lola.
Itinatag ang Bahay Kalinga noong 2012 at ito ay two-story half-way home para sa mga 25 homeless o abandoned senior citizens.
Ang apat na palapag namang “Bahay Kanlungan,” na puwedeng makapag-accommodate nang hanggang 90 elderly residents ay binuksan lamang noong nakaraang taon.
Mayroon namang sariling clinic, physical therapists, psychologists, nutritionists at house parents ang Bahay Kanlungan na siyang magbabantay sa mga senior citizens.
Ang panukalang nursing homes ay dapat makapag-provide ng komportableng living quarters, adequate food at clothing, medical consultation o treatment, health care at counseling.