-- Advertisements --
Biden Lincoln Harris Key

Nag-perform sa nationwide COVID-19 memorial sa Washington, DC ang Michigan nurse na unang sumikat matapos kaniyang kinantahan ang kaniyang mga co-workers sa panahon ng unang mga araw ng COVID-19 pandemic na nag-trending online.

Nabihag ni Lori Key ang loob ng kaniyang mga kasamahan sa trabaho sa St. Mary Mercy Hospital sa Livonia, Michigan matapos kantahin ang “Amazing Grace” habang ginagamot ang mga pasyente ng COVID-19.

Dahil dito, napili ang nasabing nurse na kumanta sa national memorial para sa 400,000 Americans na namatay dahil sa deadly virus.

Ayon kay Lori, isang malaking karangalan sa kaniya na kabilang sa nagbigay ng kasaysayan sa kanilang bansa.

Lorie marie key
US nurse Lori Marie Key

Ang national memorial ay dinaluhan nina President-elect Joe Biden at Vice President-elect Kamala Harris na ginanap sa Lincoln Memorial sa national mall.