-- Advertisements --
ILOILO CITY – Mariing kinondena ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) ang tangkang pagpatay sa human rights lawyer at Anti-Terrorism Act petitioner na si Atty. Angelo Karlo Guillen.
Napag-alaman na si Atty. Guillen ay Asst. Vice President ng NUPL sa buong Visayas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay NUPL Chairma Atty.Neri Colmenares, sinabi nito na nagdudulot ng malaking takot sa ibang mga abogado at hukom ang nangyari kay Atty. Guillen.
Hinamon rin ni Colmenares ang Philippine National Police (PNP) ang agarang paglutas sa tangkang pagpatay kay Atty. Guillen.
Sa ngayon nagpapagamot pa sa ospital ang abogado matapos magtamo ng sugat sa likod at noo matapos saksakin ng screwdriver ng hindi pa nakikilalang mga suspek.