-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi na ikinagulat pa ng National Union of Peoples’ Lawyers ang desisyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na kumalas ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Sa panayam ng Bombo Radyo sa Peoples’ Lawyer na si Atty. Jobert Pahilga, sinabi nito na
kaalyado ni Marcos si dating Pangulong Rodrigo Duterte na isa rin sa tinitingnan nilang dahilan sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC.

Napag-alaman na ang kaibigan at kaalyado ni Pangulong Marcos na si Vice President Sara Duterte-Carpio ay anak ni dating Pangulong Duterte.

Ayon kay Pahilga, kilala rin ang pamilya Marcos na hindi prayoridad ang pagtutok sa human rights abuses.

Paliwanag ni Pahilga, ang desisyon ni Marcos na kumalas sa ICC ay magiging dahilan ng hindi pakikialam ng nasabing intergovernmental organization sa lahat ng crime against humanity na posibleng malabag ng kasalukuyang administrasyon.

Ngunit ang extrajudicial killings anya noong Duterte administration ay iimbestigahan pa rin ng ICC.