Sinimulan nang ipatupad ng Social Security System ang number coding system at modified procedures sa kanilang 61 piling branches sa bansa.
Ayon kay SSS president at CEO Aurora Ignacio, ginawa nila ito para ma-regulate ang bilang ng mga taong nakikipagtransaksyon sa mga branches ng SSS sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nilagdaan ni Ignacio ang SSS Circular No. 2020-017 na naglilimita sa bilang ng mga walk-in transactions sa kanilang mga branches.
Itinatakda rin ng circular na lingguhang schedule ng mga miyembro at employers sa kung kailan maaring makipagtransaksyon ang mga ito sa SSS.
Ang schedule ay nakabase sa last digit ng Social Security o Employers ID numbers.
Sa ilalim ng circular, magpapatupad ang SS ng number coding sustem at modified service procedures sa lahat ng 51 branches ng National Capital Region.
Sa Luzon, ang bagong procedures na ito ay ipapatupad sa Baguio, Dagupan, Bacoor, at Biñan branches.
Sa Visayas at Mindanao, ipapatupad ito sa Cebu, Lapu-Lapu, Bacolod, Iloilo-Central, Cagayan De Oro, at Davao branches.