-- Advertisements --

Suspendido muna ang ipinatutupad na expanded number coding scheme sa Metro Manila simula Disyembre 25, 26 at Enero 1, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.

Ayon sa MMDA, ang nasabing suspensyon ng number coding scheme, o tinatawag na Unified Vehicle Volume Reduction Program, ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan para sa mas ligtas na biyahe ng byahero ngayong holiday season.

Samantala, nagpaalala naman ang ahensya sa mga motorista na planohing ang kanilang byahe, sundin ang mga batas trapiko, at magmaneho nang maingat.