-- Advertisements --
image 126

Tinambakan ng Denver Nuggets ang Phoenix Suns sa Game 6 at panghuling pagtutuos ng dalawa sa nagpapatuloy na Playoffs 2023.

Sa unang kalahating bahagi ng laro, tinambakan na kaagad ng Nuggets ng 30 big points ang Suns, matapos silang magbuhos ng 44 points sa unang kwarter at 37 points sa ikalawa. Natapos ang first half na may 81 points ang Nuggets habang 51 lamang sa Suns.

Nagpatuloy pa rin ang agresibong play ng Nuggets hanggang sa kalagitnaan ng 4th quarter, kung saan nagdesisyon na si Suns head coach Monty Williams na paupuin ang mga Star player at ipasok ang mga bench players.

Muling nagtala Si Nuggets Center Nikola Jokic ng triple-double sa kanyang 30 points, 10 rebounds at 12 assists.

Nag-ambag naman ng 26 points si Jamal Murray habang 21 points mula kay Kentavious Caldwell Pope. Para sa Phoenix, nanguna sa kanilang opensa si Cameron Payne na may 31 points habang mistulang inalat naman ang dalawang Phoenix Star na sina Kevin Durant at Devin Booker.

Maalalang nitong nakaraang taon ay halos kaparehong sitwasyon din ang inabot ng Suns sa kamay ng Dallas Mavericks sa pangunguna ni Luca Doncic kung saan sa first half ng kanilang pagtatapat sa Western Conference Semifinals, tinambakan din ng Dallas ang Suns ng 30 big points.

Dahil sa panalo, balik Western Conference na ang Nuggets at makakaharap ang mananalo sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Golden State Warriors. Huling Naglaro ang Nuggets sa Western Finals noong 2022 kung saan tinalo sila ng Lakers.