-- Advertisements --
Palalakasin ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang kanlang presensiya sa Zaporizhzhia nuclear power plant na sinakop na ng Russia.
Sinabi ni IAEA director Rafael Grossi na sa susunod na linggo ay mas maraming mga tao ang kaniyang isasama para bisitahin ang pasilidad.
Nais nilang mabantayan ang planta para hindi magkaroon ng nuclear accident at hindi matulad sa nasirang Nova Kakhovka dam.
Magugunitang noong Marso 2022 ay sinakop ng mga sundalo ng Russia ang nuclear power plant.