-- Advertisements --
A U.S. Navy guided-missile destroyer joined ships from India, Japan and the Philippine Navy to sail through the South China Sea (file photo by Japan Maritime Self Defense Force)

Iginiit ng opisyal mula sa National Task force for the West PH Sea na walang awtoridad ang China na magsagawa ng law enforcement operations sa loob ng exclusive economic zone ng PH.

Ginawa ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya ang naturang pahayag kasunod ng claim ng China Coast Guard na nagsasagawa sila ng law enforcement operations sa ayungin shoal nitong araw ng Biyernes, Setyembre 8 nang magsagawa ng otation and reprovisioning (RoRe) mission ang AFP at PCG sa karagatan ng PH.

Sinabi din ni Malaya na tanging ang gobyerno ng PH ang mayroong sovereign rights sa law enforcement operations sa lugar dahil nasa loob ito ng EEZ ng bansa.

Mariin ding kinondena ng NSC official ang illegal, aggressive, at destabilizing conduct ng CCG at CMM sa loob ng exclusive economic zone ng bansa.