Nananawagan ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kay Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na humarap ito sa pagdinig sa Senado para linisin ang kaniyang pangalang kung totoong wala siyang kinalaman sa recruitment ng mga estudyante para sumapi sa New People’s Army (NPA).
Ayon kay Undersecretary Ernesto Torres Jr., Executive Director NTF – ELCAC, noong August 6, sa isang pagdinig sa Senado na pinangunahan ni Senator Bato Delarosa, na layuning matuldokan na ang terror grooming sa mga bata at estudyante, dinaluhan ito ng ilang dating rebelde na matataas ang posisyon sa NPA.
Dito, inilahad umano ng mga dating rebelde ang kanilang karanasan kung papaano sila na himok na sumali sa kilusan. Ibinulgar din ng isa sa mga ito na kasama nila si Cong. Raoul Manuel sa UP Diliman para mangrecruit.
Kaya naman hinihimok ng NTF-ELCAC ang nabanggit na mambabatas na tanggapin na ang imbitasyon ni Senator Bato na humarap ang mga ito sa hearing para malaman ng publiko ang katotohanan.
Naniniwala din si Usec. Torres na ito ang tamang panahon para harapin ng kongresista ang alegasyon sa kaniya. Dahil ang pag-iwas umano nito ay nagpapahiwatig na may itinatago siya.
Samantala, maging ang mga Educational Institutions din na nadadawit sa issue ay iniimbitahan ng NTF-ELCAC na humarap sa Senado.
Una na kaseng iniulat na nasa 102 Paaralan sa buong bansa ang naobserbahan na may recruitment activities ng Communist Party of the Philippines (CPP) simula noong taong 2014.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), may kabuuang 168 militant students ang naitala nilang na-recruit ng Communist terrorist group.