-- Advertisements --

Pabor si National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa sa panukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Conception na magtakda ng expiry date para sa validity ng vaccination cards at palitan ito ng booster cards para mahikayat ang mas marami pang mga tao ang mabakunahan ng booster shots sa gitna pa rin ng kinakaharap na pandemiya.

Ayon kay Dr Herbosa na bagamat kasalukuyang maganda ang vaccination record ay mayroon lamang 11.8 million indibidwal ang nakatanggap ng booster shots.

Maganda aniya ang naturang rekomendasyon para mahikayat at mabigyan ng insentibo ang mga tao na mapabooster.

Sa pamamgitan din aniya ng naturang hakbang, mapapataas ang natas ng pagbabakuna sa bansa at makakatulong na maibakuna na ang mga vaccine na malapit ng mag-expire.

Nauna ng nagpahayag ng pagkabahala si Conception daqhil sa mababang booster coverage sa bansa at inirekomenda ang redifining ng “fully vaccinated” kabialng ang mga nakatanggap ng booster dose.