Nalampasan pa ng National Telecommunications Commission (NTC) ng higit P2.68 billion ang kanilang collection traget para sa taong 2020.
Ayon sa NTC, ahensya sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology, ang kanilang target collection noong nakaraang taon ay P5.025 billion habang ang kabuuang halaga na kanilang nakolekta ay P7.711 billion.
Ang naturang halaga ay 53.44 percent na mas mataas sa kanilang target collection.
Ito na ang ikalimang magkasunod na taon na nalampasan ng NTC ang kanilang collection goal.
Sinabi ng NTC na ang tagumpay nila na ito ay resulta nang pagkayod ng kanilang mga tauhan at striktong pagsingil sa users’ fees, supervision at regulation fees, at penalties mula sa kanilang mga stakeholders.
Ang NTC ay ang ahensya na nagre-regulate sa cable at commercial television operators, broadcast radio stations, telecommunication companies, at commercial at portable radio operators.