-- Advertisements --
jonathan malaya constitutional amendments 08252022 002 scaled 1

Nilinaw ng National Security Council (NSC) na ang desisyon nito para isama ang Hamas bilang teroristang grupo sa ilalim ng anti-terrorism law ay para proteksyunan ang seguridad ng bansa at hindi sulsol mula sa Estados Unidos o sa Israel.

Paliwanag pa ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na ang pagtatalaga sa militanteng grupo bilang teroristang organisasyon ay ginawa matapos mabulgar sa naunang mga imbestigasyon na tinangka ng grupo na pasukin ang ating bansa at sinubukan ding maglunsad na mga terrorist activities.

Kung saan noong 2018, mayroon aniyang isang operatiba mula sa militanteng grupo na bomb makerdito sa bansa ang inaresto ng PNP at pinadeport sa Turkey.

Kayat ayon kay Malaya, ang mga hakbang na ito ay walang kinalaman kung makakakuha ang ating bansa ng favorable points mula sa anumang nasyon. Sa halip, ito ay bilang pakikiisa sa mamamayan at estado ng Israel na punterya ng nakamamatay na terrorist attack mula sa kamay ng teroristang organisasyon.

Dagdag pa ng opisyal na idineklara ang Hamas bilang terrorist organization ng US, European Union, Australia at iba pang mga bansa.

Una ng sinabi ni National Security Adviser Eduardo Ano na isusulong ng NSC ang pagtatalaga sa Hamas bilang teroristang organisasyon sa ilalim ng Republic Act 11479 bilang isang priority agenda ng Anti-Terrorism Council.

Top