-- Advertisements --
image 293

Lumagda ang National Privacy Commission sa isang Memorandum of Agreement (MOA) upang simulan ang isang collaborative partnership sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ang kasunduan ay para sa pagpapalakas ng Digital Security and Privacy Quick Response (DSPQR) Project.

Ayon kay Privacy Commissioner John Henry Naga, ang MOA sa pagitan ng NPC at DICT ay isang makabuluhang hakbang patungo sa pagtiyak ng digital security at privacy ng mga mamamayang Pilipino.

Ang Digital Security at Privacy Quick Response Project ay upang mabilis na matugunan ang mga alalahanin at paglabag sa privacy at itinataguyod ang karapatan ng bawat mamamayan sa privacy sa digital age.

Aniya, ang pangunahing layunin ng proyekto ay magpatupad ng isang sistema sa paghawak ng mga reklamo na mabilis na tutugon sa mga paglabag sa privacy at alalahanin ng publiko.

Sinabi ng NPC na ang proyekto ay isasama sa eGov Super App ng Government Digital Transformation Bureau na isang proyekto ng aplikasyon ng pamahalaan na naglalayong pag-isahin ang lahat ng mga sistemang nauugnay sa pamahalaan.