TACLOBAN CITY – Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa New People’s Army (NPA) na nakaengkwentro ng 14th Infantry Battalion sa Sitio Bagong Bario, Brgy. Pinanag-an, Borongan City.

Ayon kan Lt. Col. Jasper Justito Pecson, acting commanding officer han 14th IB Philippine Army, nagsasagawa ng focus military operation ang mga kasundaluhan sa naturang lugar ng bigla na lang ang mga itong paulanan ng bala ng NPA.

Nagtagal ng isa at kalahating oras ang naging palitan ng putok ng magkabilang panig kung saan isa sa mga miyembro ng rebeldeng grupo ang namatay na nakilala na si Jolina Banado, 21-anyos, isang grade 10 student.

Narekober naman sa naturang engkuwentro ang ilang mga ammunitions, cellphones, subersive documents at iba pang mga gamit ng mga rebelde.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here