BUTUAN CITY – Patuloy pang inaalam ang pagkakilanlan ng isang miyembro New People’s Army (NPA) na napatay sa engkwentro sa bukiring bahagi ng Brgy. Segunda, sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur nitong nakalipas na mga araw.
Ayon kay Lt.Col. Francisco Molina Jr., commanding officer ng 23rd Infantry Battalion, Philippine Army, isang rebelde pa ang kanilang nahuli at iba’t ibang uri ng mga war materials ang kanilang narekober sa sunod-sunod na mga engkwentrong naganap sa pagitan ng kanilang tropa at sa mga tauhan nang tinaguriang Guerilla Front 88 ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC).
Kasama sa mga narekober ang isang kalibre .22 rifle, isang anti-personnel mine at 20 metrong electrical wire.
Naganap ang engkwentro matapos magsumbong ang mga sibilyan kaugnay sa armadong mga lalaking naglusad ng teach-in at indoctrination.