LA UNION – Sumuko sa mga militar ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na taga La Union.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Major Rogelio Dumbrigue Jr. ng 7ID Philippine Army, naitago ito sa pangalan Ka Jose, 28, binata at residente sa bayan ng Bacnotan, La Union.
Ayon kay Major Dumbrigue, 2013 pa ito na recruit hanggang sa maging aktibong miyembro ng Under Ground Movement ng Kabataan sa Region 1.
Mula umano noong nakapanumpa ito ay parati na itong sumasama sa mga kilos protesta at nagre recruit na rin umano ng mga kabataan.
Dagdag pa ni Major Dumbrigue mga huling buwan noong nakaraan taon ng makapag-isip si Ka Jose na magbalik loob sa gobierno kung saan sumumpa na ipagpapatuloy hanggang matapos ang kanyang pag-aaral.
Samantala, hinikayat naman ng opisyal ang mga miembro ng NPA na magbalik loob sa gobyerno sapagkat may mga nakahandang programa at tulong para sa kanila.