LEGAZPI CITY – Agad na binawian ng buhay ang isang pinaniniwalaang kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang pwersa ng pamahalaan sa Barangay Lajong, Juban, Sorsogon.

Nakilala itong si Michael Esmer, na miyembro umano ng Larangan 2 Sorsogon SDG.

Sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi, nagsasagawa ng strike operation ang mga tauhan ng Juban Municipal Police, 2nd Provincial Mobile Force Company, Police Intelligence Branch Sorsogon, Regional Intelligence Division, 96 Military Intelligence Company, 31st Infantry Battalion, at 504th Company Regional Mobile Force Battalion nang makasagupa ang pinaniniwalaang mga kasapi ng communist terrorist group.

Mapalad naman na walang nasugatan sa hanay ng pamahalaan.

Samantala, narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang caliber .45 pistol na may isang magazine at isang M16 rifle.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang pursuit operation laban sa mga ito gayundin ang pina-igting na pagbabantay sa lahat ng kampo ng militar.