
Sinimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang imbestigasyon sa dalawang magkahiwalay na pagpatay umano ng New People’s Army (NPA) sa probinsiya ng Negros provinces.
Sa isang statment, sinabi ni CHR na walang ideolohiya o sirkumstansiya ang makakapag-justify sa walang habas na paglabag sa karapatan para sa buhay ng isang tao.
Tinutukoy ng komisyon na ang pagpatay sa magsasakang si Danilo Bedaja at karpenterong si Armando Bador sa magkahiwalay na insidente sa Negros island.
Sinabi din ng CHR na inamin ng mga kasapi ng Leonardo Panaligan Command (LPC) ng NPA Central Negros Guerilla Front na sila ang responsable sa pagpatay kay Bedaja sa Barangay Macagahay, Moises Padilla sa Negros Occidental noong Abril 9. Nagtamo ang biktima ng multiple gunshot injuries.
Iginiit naman ng tagapagsalita ng nasabing grupo na sangkot umano ang napatay na magsasaka sa pagnanakaw at land-grabing activities at nagmamay-ari ng illegal firearm na ginagamit para takutin ang mga residente.
Sa kaso naman ng napatay na karpentero noong Abril 11 sa Barangay Mani-ak, Guihulngan city, sinabi ng grupo na ginamit si Bador bilang asset ng militar sa iba’t ibang operasyon. Binalaan na umano siya noon pang 2021 at 2022 subalit hindi aniya nito pinakinggan.
Sa panig ng CHR, sinabi nito na sa kaso ng napaslang na mga biktim, dinidikta ng batas na ang mga taong nakagawa ng anumang krimen ay kailangang dumaan sa due process at kapag napatunayang guilty ay paparusahan ng alinsunod sa batas.
Umapela din ang CHR sa local authorities na palakasin pa ang multi-sectoral initiatives upang matugunan ang puno’t dulo ng kaguluhan at insurhensiya sa rehiyon.










