Bumandera sina Dirk Nowitzki, Pau Gasol, Tony Parker, Dwyane Wade at San Antonio Spurs coach Gregg Popovich sa listahan ng Naismith Memorial Basketball Hall of Fame.
Ang nasabing star-studded class of 2023 ay pormal na pasisinayan sa buwan ng Agosto.
Kabilang din sa listahan si WNBA player at coach Becky Hammmon.
Itinuturing na tatlo sa pinakamatagumpay na international stars ng NBA sina German star Nowitzki, dating Los Angeles Lakers veteran Gasol at French player at San Antonio Spurs star Parker.
Nagwagi si Parker ng apat na NBA Champion sa Spurs mula 2003 at 2014 habang si Gasol ay bahagi sa kampeonato ng Lakers mula 2009 at 2010.
Nasa pang-anim na puwesto naman si Nowitzki sa may all-time scoring list na mayroong 31,560 na pinangalanang NBA Most Valuable Palyer nong 2007 at Finals MVP noong ito ay nasa Dallas Mavericks.










