-- Advertisements --
image 386

Nakikipag-usap ang Royal Norwegian Embassy in Manila sa mga stakeholder sa Norway at Pilipinas upang tulungan na ihanda ang mga manggagawa nito para sa mga pagpapaunlad ng offshore wind energy.

Sinabi ni Norwegian Ambassador to the Philippines Christopher Lyster na ang Embahada ay nagpasimula ng isang diyalogo sa Norwegian Training Center (NTC) sa Maynila at sa Norwegian Shipowners’ Association (NSA) sa Oslo.

Ito ay upang magbigay ng kinakailangang pagsasanay para sa mga Pilipino.

Gayundin ang pagbibigay sa mga marino ng mga kasanayang kailangan para sa mga proyekto offshore wind energy.

Sinabi ng envoy na ang Norweigan Training Center ay nakagawa ng halos 6,000 na mga kadete at ang Norwegian Shipowners’ Association ay nagbigay din ng mga scholarship at idineploy ang mga nagtapos sa mga barkong Norwegian.

Aniya, ang Pilipinas ay maraming seafarers, engineers at electrician na maaaring bigyan ng karagdagang mga kasanayan upang matugunan ang mga kinakailangan ng offshore wind projects sa hinaharap.