-- Advertisements --
EsEmefgVkAI1VZd
IMAGE | FDA director general during the Laging Handa public briefing

MANILA – Susundin ng Pilipinas ang pagbabago ng protocol ng Norway sa paggamit ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech sa mga senior citizen.

Ito ang sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) matapos lumabas ang ulat na 29 na matatanda ang namatay umano matapos turukan ng nasabing bakuna

“Ang mangyayari ay mag-iingat na sa mga very elderly, lalo na yung mga more than 85 and 90-years old, at saka yung mga very frail na. ‘Yun talagang marami ng sakit at mahinang-mahina na ang katawan,” ani FDA director general Eric Domingo.

Bukod sa pagbabago ng protocol sa mga matatanda, una nang binago ng Pfizer ang kanilang panuntunan sa pagtuturok ng bakuna sa mga indibdiwal na may allergic reaction.

Batay sa report ng pahayagang Bloomberg, mga matatanda na may iba pang sakit ang binakunahan ng Pfizer vaccine.

Ayon sa inilabas na press release ng kompanya noong November 2020, sinabi nitong 94% effective sa mga may edad 65-years old pataas ang kanilang bakuna.

Nakipag-ugnayan na raw ang FDA sa Pfizer-BioNTech para makatanggap ng updates sa binabantayan pa ring kaso sa Norway.

Sa ilalim ng iginawad na emergency use authorization (EUA) sa bakuna ng Pfizer-BioNTech, responsibilidad ng kompanya na padalhan ng report ang Pilipinas dahil nasa estado pa rin ng pag-aaral ang kanilang coronavirus vaccine.

“Ito naman yung maganda na hindi tayo ang pinaka-unang gumamit. As of this time, nasa 70-milyong tao na ang nabakunahan ng Pfizer.”

“Aside from that, at least maiiwasan na natin ang mga problemang iton kapag dumating na yung roll out dito sa Pilipinas.”

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, posibleng bakuna ng Pfizer-BioNTech ang pinaka-unang dumating sa bansa dahil sa COVAX Facility.