-- Advertisements --

SYDNEY, Australia – Niyanig ng maginitude 6.6 na lindol ang northwest Australia nitong araw.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang sentro ng mababaw na lindol na ito 10 kilometers sa ilalim ng Indian Ocean 203 kilometers west ng West Australian beach resort na Broome.

Wala namang inilabas na tsunami alert kasunod ng naturang pangyayari.

Sinabi ni Sergeant Neil Gordon ng Broome police department, niyanig ang lungsod ng mahigit isang minuto.

Pero wala naman aniyang napaulat na sugatan o pinsalang iniwan ang naturang lindol.