-- Advertisements --

Buhay pa ang tsansa ng Northport sa playoffs matapos talunin ang Phoenix Super LPG 95-92 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Bumida sa panalo ng BatangPier si Roi Sumang na nagtala ng 18 points habang mayroong 17 points si Robert Bolick.

Pinasalamatan naman ni NorthPort coach Pido Jarencio dahil sa natapos na ng kaniyang koponan ang anim na pagkatalo.

Ito na ang panglimang magkasunod na talo ng Phoenix kung saan mayroon lamang silang dalawang panalo at pitong talo habang ang NorthPort ay mayroong tatlong panalo at anim na talo.