-- Advertisements --

Nakuha ng NorthPort Batang Pier ang ikatlong sunod na panalo matapos talunin nila ang Meralco Bolts 90-85 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.

Apat na manlalaro ang nagtala ng double digit kung saan mayroong tig-16 points sina Arvin Tolentino at JM Calma.

Nagtala naman ng 13 points, anim na rebounds at anim na steals ang rookie na si Cade Flores habang mayroong anim na puntos, anim na rebounds, limang assists at apat na steals si Joshua Munzon.

Sinabi ni NorthPort coach Bonnie Tan na naging matindi ang ginawang depensa nila pagdating ng second half.