-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Representative Paul Daza ang kaniyang “No” vote sa Charter Change sa pamamagitan ng Constitutional Convention.

” I voted “No” in the Committee vote calling for a Constitutional Convention (Con-con), mainly because it would be more practical, expedient, and transparent to amend the constitution through a Constitutional Assembly (Con-Ass). Unlike a Convention, which is costlier and could take one to two years, an Assembly can be done in a month or so. The House can also limit the Con-Ass to affect the economic provisions only of the constitution. I think that’s where amendments are most needed,” pahayag ni Cong. Daza.

Ayon kay Daza mas magiging praktikal at transparent ang pag amyenda sa 1987 Constitution kung gagawin ito sa pamamagitan ng Constitutional Assembly (Con-Ass).

Magugunita na inaprubahan na ng House Committee on Constitutional Amendments ang panukalang Charter Change (Cha-Cha) sa pamamagitan n “Hybrid” set-up.

Kinuwestiyon ni Cong. Daza ang Hybrid Con-Con dahil para sa kania mas praktikal,expedient at transparent kung gagawin ito sa pamamagitan ng Constitutional Assembly (Con-Ass).

Sa interpelasyon ni Daza kay Cagayan De Oro 2nd District Rep. and Committee on Constitutional Amendments Chairman Rufus Rodriguez, ipinunto nito na ang Con-Ass ay nakaayon sa layunin ng Komite na baguhin ang mga pangunahing probisyon sa ekonomiya ng 1987 Konstitusyon at paano ang con-con na maging “free for all” na nagbubukas ng posibilidad ng isang kumpletong pagbabago sa Konstitusyon.

Dahil dito, tugon ni Rodriguez kay Daza na kaniyang himukin ang Komite na tutukan lamang ang economic provisions subalit hindi nito magagarantiya na baka may maisingit pa ang delegasyon.

Binigyang-diin ni Daza na ang Con-Ass ay mas pokus at transparent na proseso para rebisahin ang Saligang Batas.

Tinatayang aabot sa P10 billion hanggang P15 billion ang gagastusin ng gobyerno para sa Con-Con kung sa pamamagitan ng Constitutional Assembly ay minimal lamang gastos ng pamahalaan.

Sabi pa ni Daza na ang gagastusing pondo ay maaari pa itong magamit sa iba pang programa ng pamahalaan gaya na scholarships at medical assistance.

Sinang-ayunan naman ni Rodriguez ang pahayag ni Daza na ang buong proseso ng con-con ay aabot sa P10 billion ang gagastusin ng gobyerno, gayunpaman tinutulan niya na ang halaga ay “maliit na presyo na babayaran” upang buksan ang ekonomiya sa mas maraming Foreign Direct Investments (FDI).

” Con-Ass will foster less controversy. “The process of choosing the representative-delegates to this Con-Con may become another opportunity for divisiveness. While I appreciate the good intentions, a potentially divisive and costly exercise at this point may do more harm than good,” pahayag ni Daza.