-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Isinailaim sa state of calamity ang probinsya ng Northern Samar dahil sa naging malaking danyos nito matapos ang pagtama ng bagyong Ambo
Ayon kay John Allen Berbon, Tagapagsalita ng LGU-Northern Samar, malaki umano ang iniwang danyos noong nakaraang bagyo sa buong probinsya kayat idineklara nila ang state of calamity sa naturang lugar nang sa gayon ay magamit ang calamity funds.
Dagdag pa nito na mahirap din ang sitwasyon ng mga residente lalo pa’t maraming mga kabahayan ang nasira at nataon pa ang kinakaharap na problema kaugnay sa Coronavirus 2019 (COVID-19) pandemic.
Pinaka-apektado dito ang sektor ng agrikultura na siyang pangunang pinagkukunan ng mga residente ng naturang lugar.