
Nangako ang Nangako ang Armed Forces-Northern Luzon Command na sisiguraduhin ang kaligtasan at seguridad sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 24.
Ayon kay Nolcom commander Lt. Gen. Fernyl G. Buca, sinimulan na nila ang pakikipag-ugnayan sa law enforcement agencies at mga lokal na pamahalaan para sa komprehensibong security plan para sa taunang ulat sa bayan ng Pangulo.
Umapela naman ang NolCom official sa publiko na ipahayag ang kanilang mga sentimiyento o hinaing sa SONA sa pamamagitan ng mapayapang protesta at rallies.
Dapat din aniya na isaalang-alang ang pagiging responsable at seguridad ng publiko. Mahalaga din na mabalanse ang paninindigan sa freedom of speech at pagtitiyak na ang pagpapahayag ng pagtutol ay hindi na humantong pa sa karahasan o kaguluhan.










