-- Advertisements --
nolcom

Maigting na nakabantay ang Northern Luzon Command (NolCom) na nakabase sa Tarlac City sa mga dayuhang barko sa mga teritoryo ng Pilipinas.

Kung saan ayon sa NolCom, nasa kabuuang 22,474 foreign at domestic vessels ang namataan sa maritime areas ng bansa.

Ayon pa kay Nolcom acting public affairs office chief Maj. Al Anthony Pueblas, naisagawa ang naturang detections sa pamamagitan ng kanilang monitoring detachments na nakaposisyon sa Bani, Zambales, Pasuquin, Ilocos Norte, Batan at Mavulis sa lalawigan ng Batanes.

Nakapagsagawa na rin ang NolCom ng 60 matagumpay na air patrols at 30 surface patrols mula sa unang quarter ng 2023 hanggang sa kasalukuyan sa pakikipagulungan sa Area Task Force-North na isang inter-agency coordinating body na nasa ilalim ng National Task Force – West Philippine Sea para matiyak ang seguridad ng terirtoryo ng bansa.

Tiniyak din ng NolCom na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng maritime patrols (MarPat) sa pakikipagtulungan sa pangunahing mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayang Pilipino lalo na ng mga mangingisda at maprotektahan din ang marine resources para sa benepisyo ng kasalukuyan at hinaharap na henerasyon.

Saklaw sa maritime patrols ng NolCom ang Bajo De Masinloc (Scarborough Shoal) sa West Philippine Sea, Philippine (Benham) Rise) at Batanes Strait.