-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 27 15 36 38

Target ng Philippine National Railways (PNR) na makumpleto ang konstruksiyon ng unang bahagi ng
ng North-South Commuter Railway (NSCR) project sa taong 2026.

Kumpiyansa si PNR Chairman Michael Macapagal na matatapos sa loob ng tatlong taon ang initial phase ng proyekto na nagkakahalaga ng P873.6-billion kabilang dito ang 8 istasyon mula sa Malolos, Bulacan patungong Valenzuela City.

Sa oras na makumpleto ito, ang nakagawiang isang oras na biyahe sa pagitan ng Bulacan at hilagang bahagi ng Metro Manila ay iikli na sa 20 minuto na lamang.

Target naman na makumpleto ang buong proyekto sa taong 2028 o kasabay ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang 147-kilometro railway na may 35-station ay magkokonekta sa mga probinsya ng Pampanga, Bulacan, at Laguna sa National Capital Region.

Mayroon itong 800,000-passenger capacity kada araw at may 50 train sets na mayroong 8 bagon bawat isa.